Key projects ng DENR, tuloy kahit nagbitiw na si Cimatu

Tuloy pa rin ang pagsasakatuparan sa malalaking proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kahit pa nagbitiw na sa pwesto ang kalihim nito na si Roy Cimatu.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang pagtatayo ng cannon replica sa Roxas Boulevard Baywalk sa Maynila at ang rehabilitasyon ng Marikina Watershed.

Katuwang ng DENR sa pagtatayo ng Fort Drum Island cannon ang Department of National Defense na target makumpleto at mapasinayaan sa mismong Araw ng Kagitingan sa Abril 9.


Ang Fort Drum Island, o mas kilala bilang “El Fraile Island,” ay isa sa apat na islang matatagpuan sa bunganga ng Manila Bay na nagsilbing depensa ng Maynila mula sa pagsalakay ng mga Espanyol noong World War II.

Samantala, katuwang naman ng DENR-Calabarzon ang ilang Non-Government Organizations (NGOs) para sa rehabilitasyon ng Marikina Watershed sa pamamagitan ng paggamit ng bamboo planting materials.

Ang Marikina Watershed ay ang siyang kumokontrol sa daloy ng tubig at binabawasan ang panganib ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mabababang lungsod sa Kamaynilaan tulad ng Marikina.

Facebook Comments