Itinumba ng Milwaukee Bucks ang Los Angeles Lakers, 115-101.
Kahit wala ang kanilang star player na si Giannis Antetokounmpo, binuhat ng 30 points ni Khris Middleton ang Bucks.
Dinadagdagan pa ito ng season-high 28 points ni Brook Lopez.
Sa panig naman ng Lakers, hindi nakalaro si NBA superstar Lebron James dahil sa iniindang groin injury.
Habang nabalewa rin ang pagsusumikap ni Kentavious Caldwell-Pope na kumamada ng season-high 35 points para iahon ang Lakers.
Facebook Comments