KIAN CASE | Randy at Sandy Delos Santos, tikom ang bibig sa nakamit na hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak

61

Manila, Philippines – Hindi na nagbigay pa ng komento ang mag-asawang Randy at Sandy Delos Santos makaraang magbaba ng guilty verdict si Judge Rodolfo Azucena ng Caloocan Regional Trial Court Branch 125 laban kina Police Officer 3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz.

Napahagulgol lamang ng iyak ang mag-asawang Delos Santos habang mababakas sa mukha ng tatlong pulis ang pagkagulat.

Nagpasalamat na lamang ang mga mag-asawa sa lahat ng mga tumulong sa pagkamit ng katarungan para sa kanilang anak na si Kian.

Welcome development naman para sa Commission on Human Rights (CHR) ang naging guilty verdict.

Ayon kay CHR Commissioner Chito Gascon, dapat maging inspirasyon ang Kian case para pag-ibayuhin pa ng gobyerno ang pagresolba sa marami pang kaso ng extrajudicial killings.

Partikular na pinasalamatan ng mga Delos Santos ang mga testigo na hindi nagpadaig sa takot para mapalitaw ang katotohanan.

Facebook Comments