Kian delos Santos, hindi nanlaban at intensyon talagang patayin ayon sa forensic expert ng PAO

Manila, Philippines – Intensyonal ang pagpatay ng mga pulis Caloocan sa grade 11 student na si Kian Loyd delos Santos.

Ito ang resulta ng ginawang autopsy ni Erwin Erfe, ang forensic expert na kinomisyon ng Public Attorney’s Office.

Ayon kay Erfe, fatal o hindi talaga mabubuhay si delos Santos sa tatlong tama ng baril na tinamo niya.


Batay sa trajectory ng gunshot wounds, binaril daw si Kian habang nakasubsob sa sahig.

Wala rin daw indikasyon na nanlaban ang binata.

Una nang iginiit ng Caloocan City PNP na napatay si delos Santos matapos itong makipagbarilan sa kanila sa ikinasang anti-drugs operation sa barangay 160 at noong Agosto 16.

Facebook Comments