KIAN SLAY | Mga pulis na pumatay kay Kian Delos Santos, mabubulok sa kulungan

152

Manila, Philippines – Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng pardon ang tatlong pulis na napatunayang pumatay kay Kian Delos Santos.

Ayon kay Duterte, kahit lumipas pa ang milyong taon ay hindi makakatikim ng pardon ang tatlo dahil sa kasalanang ginawa ng mga ito.

Aniya, handa niyang ipagtanggol ang sinumang pulis o sundalo na nakapatay dahil sa pagpapatupad ng batas pero hinding hindi ang mga umaabuso sa kanilang kapangyarihan at sadyang papatay ng tao na malinaw na paglabag sa batas.

Matatandaang hinatulan ng guilty ng Caloocan Regional Trial Court sina PO1 Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at PO3 Arnel Oares at binigyan ng parusang reclusion perpetua o panghabang buhay na pagkakakulong.

Facebook Comments