Kick off ceremony ng Brigada Eskwela 2017 sa lalawigan ng Capiz, naging matagumpay

Roxas City – Naging matagumpay ang isinagawang kick-ceremony ng Brigada Eskwela 2017 kahapon sa pangunguna DepEd Capiz Division sa Jagnaya, National High School, Jamindan, Capiz.

Ito ang sinabi ni Dr. Miguel Mac Aposin, DepEd Capiz Schools Division Superintendent.

Ayon ditto. inulan ng maraming suporta ang nasabing programa, mula sa mga ibat-ibang stakeholders, mga provincial officials, Local Government Units, national government agencies, Non-Governmental Organizations, private sectors, businessmen at Parent-Teachers Associations.


Ang Jagnaya National High School ay isa sa mga nanalong best implementer ng Brigada Eskwela sa buong bansa noong nakaraang taon para sa small school category sa secondary level.

Layunin ng Brigada Eskwela na maihanda ang mga silid-aralan para sa nalalapit na pasukan sa darating na buwan ng Hunyo.

Ang Brigada Eskwela ngayong taon ay may tema; Isang DepEd, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan para sa Handa at Ligtas na Paaralan.

DZXL558

Facebook Comments