Kick off ceremony ng National Resiliency Month, pangungunahan ni Defense Secretary Lorenzana

Isasagawa mamayang alas 9 ng umaga ang kick-off ceremony ng National Disaster Resiliency Month (NDRM) na pangungunahan ni Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Delfin Lorenzana

Ang buwan ng Hulyo ay itinakdang National Disaster Resilience Month (NDRM) upang maplakas ang kahandaan at katatagan ng sambayanan laban sa hamon ng mga kalamidad.

Ang tema ngayong taon: “Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan”


Dahil naman sa nararanasang pandemya inaanyayahan lang ng NDRRMC ang publiko na makiisa sa aktibida sa pamamagitan ng panonood ng live-stream ng kick-off ceremony sa Civil Defense PH Facebook page at YouTube.

Facebook Comments