Kick off ng 59 Araw ng Cotabato celebration aarangkada na bukas

Gagawin na bukas alas siyete ng umaga ang kick off ceremony ng 59th Araw ng Cotabato celebration kung saan itoy uumpisan sa pag alay ng bulaklak sa rebulto ni Jose Rizal bilang pagdiriwang ng Independence Day. Ayon kay City Tourism officer Girlie Frondoza, pangununahan ni City Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi ang Opening na sasamahan ng Sangguniang Panlungsod at mga empleyado ng City Government at ibat-ibang sector. Mamayang alas nueve ng umagaga magkakaroon naman ng Toy Fair na gaganapin sa City Mall at mamyang hapon ay gagawin naman ang DepEd cultural presentation diyan sa City Plaza.Inanyayahan ni Mam Girlie ang cotabatenyo na makiisa, makisaya sa 59th celebration ng Araw ng Cotabato.

Facebook Comments