KICK-OFF NG BRIGADA ESKWELA 2023, PORMAL NANG NAGSIMULA

Pormal nang nagsimula ang Kick-Off ng Brigada Eskwela 2023 kahapon, ika-14 ng Agosto, taong kasalukuyan.
Ang naturang Kick-Off ng brigada ay isinagawa sa buong bansa bilang preparasyon sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa darating na ika-29 ng Agosto base sa anunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon noong Agosto 3.
Samantala, magtatagal hanggang August 19 ang naturang Brigada Eskwela 2023.

Dito, magtutulong-tulong ang mga stakeholder at iba’t ibang grupo upang maglinis at siguruhing maayos ang mga pasilidad na gagamitin bago magbukas ang pasukan.
Sa Calasiao Comprehensive National High School, na nakiisa rin sa brigada ay patuloy ang kanilang pag-repair sa kanilang mga silid-aralan kung saan inaasahan na papasok ang nasa mahigit animnalibong mga mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay sa bayan.
Dahil dito kumakatok ang principal ng paaralan na si Principal IV Carina Untalasco sa mga mabubuti ang loob na tumatanggap ang paaralan ng kahit anong donasyon para sa pagsasaayos ng kanilang mga silid-aralan at ng iba pa nilang mga pasilidad para magamit ng mga estudyante magbabalik na sa eskwela. |ifmnews
Facebook Comments