Kick-off Rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand, dinagsa ng higit 100,000 indibidwal

Dinagsa ng libo-bong indibidwal ang Kick-off Rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand ngayong araw.

Nagmula ang mga ito sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) mula Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Alas-2:00 ng hapon nang simulan ang program kung saan ilan sa mga kilalang artista at personalidad ang magpe-perform bago ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Dumalo rin sa nasa aktibidad si Vice President at Education Secretary Sara Duterte kasama ang ilang kalihim ng PCO, DENR, DAR, DPWH, DILG at DOTr.

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa buong paligid ng Rizal Park kung saan sarado na ang ilang mga kalsada patungong Quirino Grandstand.

Sa kasalukuyan, nasa higit 100,000 na nag naitalang bilang ng mga nakibahagi sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally.

Facebook Comments