LINGAYEN, PANGASINAN – Pormal nang idinaos ang kick-off activity o programa para sa pakiki-isa ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong buwan.
Sa temang “Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan”, isinagawa ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen kasama ang mga tanggapan ng Philippine National Police (PNP Lingayen) at Bureau of Fire Protection (BFP Lingayen) ang isang motorcade bilang panimula sa pagdiriwang.
Nagbigay ng pagkilala ang LGU sa mga nasa hanay ng kapulisan at mga bombero ngunit nagbigay-bilin din ang alkalde rito na dapat ay mapalawak pa ang kanilang nalalaman lalo na sa pagresponde o pagsagip sa kanilang mga kababayan.
Ang NDRM ay ipinagdiriwang sa pamamagitan nang pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa resilience at capacity building ng bawat mamamayan.