KIDNAP | 10 taong gulang na bata, dinukot sa Jolo Sulu

Sulu – Dinukot ng anim na armadong kalalakihan ang sampung taong gulang na bata sa lalawigan ng Sulu.

Kinilala ang dinukot na bata na si Zaire Khan Pasil residente ng Sheik Mustafa Subdivision, Upper San Raymundo Jolo Sulu.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Lt Col Gerry Besana, alas-7:20 ng umaga kanina nang maganap ang pagdukot.


Naglalakad aniya biktima kasama ang dalawa pang bata na kinilalang sina Aldasir Tallow drayber at isang 13 anyos na si Fatima Zaima Pasil sa Latih Jolo road nang lapitan ng anim na kalalakihan at sapilitang tinangay ang biktima.

Ang mga suspek ay sakay ng tatlong motorsiklo nang dumating sa pinangyarihan ng kidnapping.

Sa ngayon nagpapatuloy ang rescue operation ng militar.

Facebook Comments