KIDNAP | 7-anyos na bata dinukot sa Tawi-Tawi; Ina, sugatan sa pamamaril

Tawi-Tawi – Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang pitong taong gulang na bata habang sugatan ang ina nito nang maganap ang pagdukot sa Barangay Himba Tandubas Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Tawi-tawi Police Provincial Office alas-9:30 ng gabi kagabi, pitong armadong lalaki na nagsasalita ng Tausug ang sakay ng isang bangka at dumaong sa business establishment ng negosyanteng si Rahim Asta para bumili ng gasolina.

Pero biglang hinatak umano ng pitong armadong lalaki ang pitong taong gulang na bata at pinilit na isinakay sa bangka.


Tinangkang pumalag ng mga magulang ng bata kaya at nagpaputok ng baril ang mga suspek dahil dito tinamaan ang nanay ng biktima na si Rahsa Malyn Asta.

Nagtamo ito ng sugat sa kanyang kaliwang hita na agad isinugod sa pagamutan.

Nakatakas naman ang mga suspek sa direksyon patungo ng Sulu bitbit ang bata.

Facebook Comments