KIDNAP | 7 taong gulang na babae, dinukot sa Tawi-Tawi, ina sugatan

Tawi-Tawi – Dinukot ng pitong armadong kalalakihan ang isang pitong taong gulang na batang babae sa Sitio Palau Pinang Barangay Himba Tandubas Tawi-Tawi noong June 25.

Sa impormasyon nakuha ng RMN Zamboanga, napag alaman na huminto ang isang jungkong type boat sa sari-sari store na pag mamayari ng pamilya ng bictima upang bumili ng gasolina, subalit ng mapansin ang ama ng bictima na si Rashim Asta na kakaiba ang galaw ng isa sa mga suspek, agad niya kinuha ang kanyang baril, at pinutukan ang mga suspek.

Subalit ang isang suspek bigla ring hinatak ang bata at pwersahan itong isinakay sa isang tiririt type boat kulay na asul na may stripe na yellow.


Habang lumaban naman ng putok ang kalaban natamaan ang asawa ni rashim si Rasha Asta, pagkatapos dukutin ang batang bictima agad naman tumakas ang mga suspek papunta sa direksyon ng Baluman Islan Languyan.

Isinugud naman ang sugatang bictima sa Datu Halon Hospital.

Facebook Comments