KIDNAP-RAPE CASE | Tiyuhin, dinukot at hinalay umano ang sariling pamangkin

Caloocan City – Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng pagdukot at
panghahalay sa sarili niyang pamangkin sa Caloocan City.

Base sa salaysay ng bata, sinundo siya ng kanyang tiyuhin mula sa
eskwelahan at inuwi sa bahay para kumain.

Pero pagdating sa bahay, hinubaran daw siya saka hinalikan.


Nang dumating ang kinakasama ng kanyang tiyuhin, nagsumbong raw siya pero
wala namang ginawa.

Matapos nito, binihisan na nila ang bata saka iniwan sa isang lugar sa
Caloocan.

Dito na nangsumbong ang bata at makalipas ang isang oras naaresto ng mga
pulis ang suspek at kinakasama nito.

Todo-tanggi naman sa paratang ang lalaki at iginiit na naghaharutan lang
sila ng kanyang pamangkin.

Nabatid na may dati na ring reklamong attempted rape laban sa suspek.

Kapwa kinasuhan ang mag-live in partner ng mga kasong rape, kidnapping at
paglabag sa R.A. 7610.

<#m_7971050453836826694_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments