Kidnap victim ng Abu Sayyaf Group nakatakas habang nasa kasagsagan ng sagupaan sa Sulu

Sugatan nang ma-rescue ng mga miyembro ng Philippine Marines ang isang kidnap victim ng Abu sayyaf group sa Banguingui Sulu kahapon.

 

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson Lt Col Gerald Monfort tumakas ang kidnap victim sa kasagsagan ng sagupaan kahapon sa pagitan ng ASG at militar sa Bgy Bahkaan, Banguingui, Sulu.

 

Aniya binaril pa ito ng Abu Sayyaf habang tumatakas kaya sugatan ng ma rescue ng tropa ng Philippine Marines.


 

Agad nila itong isinakay sa UH-1H Helicopter at dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista para gamutin.

 

Hinala ng militar kabilang ang nailigtas na kidnap victim sa tatlong bihag ng abu sayyaf partikular ng grupo ni alyas Najir Arik.

 

Sa ngayon patuloy ang pagtugis ng militar sa mga bandidong abu sayyaf para marescue ang iba pang bihag.

Facebook Comments