KIDNAPPING | Pag-aresto sa grupo nina Ocampo, suportado ni PRRD

Manila, Philippines – Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto at pagbigay ng legal proceedings sa grupo ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo.

Ito ay kasunod ng ulat ng nandukot ng ilang kabataan ang grupo nina Ocampo sa Davao del Norte nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Duterte, wala siyang nakikitang mali sa ginawa ng mga pulis.


Iginiit ng Pangulo na hindi maaaring ilipat ang isang bata sa isang lugar lalo na kung walang pahintulot sa guardian o magulang nito dahil lalabas na kidnapping ang nangyari.

Matatandaang si Ocampo, ACT Teachers Representative France Castro at 16 na iba pa ay naglagak ng piyansa matapos arestuhin sa isang police checkpoint sa Davao del Norte dahil sa paglabag sa anti-child abuse law.

Facebook Comments