Inaasahang makakamtan na ang hustisya para sa batang si Portia matapos ang agarang pagkakaaresto sa dalawang suspek na sangkot sa kanyang brutal na pagpaslang noong Agosto 15 sa dalampasigan ng Bonuan Gueset.
Sa pangunguna ng alkalde ng lungsod at ni PLt. Col. Lawrence Keith Calub ng PNP Dagupan, tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy ang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
Samantala, Kinumpirma naman ng Pangasinan Police Provincial Office (PangPPO) sa pamumuno ni PCOL Arbel C. Mercullo na nahaharap na sa kasong Kidnapping with Homicide ang dalawang suspek sa pagpatay sa biktima.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, may sapat na ebidensya ang City Prosecutor’s Office upang ituloy ang kaso laban sa mga akusado, na sinasabing kumilos nang may malinaw na pagpaplano at pagtataksil.
Tiniyak ng PangPPO ang patuloy na pagsusumikap upang makamit ang hustisya para sa biktima.
Nanawagan naman ang LGU-Dagupan ng panalangin para sa naiwang pamilya ng biktima at hinikayat ang publiko na igalang ang karapatan ng mga inaresto, na itinuturing pa ring inosente hangga’t hindi napatunayang may sala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






