Makalipas ang limang taong operasyon, isasara na sa darating na Agosto 31 ang Kidzania Manila, isang amusement facility na pinapangasiwaan ng Play Innovations Inc.
Ang Play Innovations Inc. ay isa sa mga subsidiary ng ABS-CBN Corporation.
Sa isang pahayag, sinabi ng kompanya ang matinding pagkalugi ng nasabing pasyalan dahil sa ipinatupad na community quarantine upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Even if we are allowed to operate in the future, the “new normal” will prohibit mass gathering and require children to remain at home. These conditions have left us with no choice but to close the play city’s doors permanently,” pahayag ng kompanya.
Mahigit 60 role-playing activities ang puwedeng gawin ng mga chikiting sa Kidzania Manila na matatagpuan sa Park Triangle, Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.
“Our hearts go out to our employees. We are doing everything we can to aid them at this time of uncertainty, including paying out severance benefits as mandated by law and providing job placement programs for them. We appreciate all their hard work,” dagdag ng pamunuan.
“We are also grateful to our industry partners and the schools and families who have trusted us over the years,” saad pa nila.
Siniguro naman ng ABS-CBN Corporation ang pagbibigay ng tulong at karampatang benepisyo para sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho.