Kiefer Ravena at Jeron Teng, sumali na sa PBA rookie draft

Sports – Inaabangan na ngayon kung saang PBA team mapupunta ang dalawa sa sikat na dating UAAP players na sina Jeron Teng at Kiefer Ravena.
Unang kinumpirma ni Teng na sasama siya sa nalalapit na rookie draft kung saan agad din nag-anunisyo si Ravena na magsusumite na din siya ng kaniyang aplikasyon para makalaro sa PBA.
Bumuhos naman ang mga good luck wish ng mga fans ng dalawa at inaasahan na makakasama sila sa top 5 sa draft pool na kinabibilangan din ng ibang mga gilas players na sina Christian Standhardinger at Raymar Jose.
Magaganap naman ang PBA rookie draft sa darating na October 29 (Sunday) sa Robinson’s Place Manila.

Facebook Comments