Kiefer Ravena, bahagi na ng Jordan Brand family

35
Photo Courtesy: Instagram kieferravena15

Gumawa ng kasaysayan si NLEX guard Kiefer Ravena bilang kauna-unahang Filipino athlete na pumirma ng kontrata sa Jordan Brand.

Sabi ni Ravena, masaya siya na maging bahagi ng star-studded roster at para sa kanya, bagong oportunidad ito para lalong maiangat ang Philippine basketball.


Ayon naman kay Jordan Brand president Craig Williams, na-inspire sila sa basketball culture sa Manila at ikinagagalak nila ang pagkakasama ng isang Pinoy athlete sa Jordan family.

Makakasama ng two-time UAAP MVP ang malalaking pangalan sa larangan ng basketball gaya nina Luka Doncic ng Dallas Mavericks, Zion Williamson ng New Orleans Pelicans at Chris Paul ng Phoenix Suns.

Facebook Comments