Kiefer Ravena, kinumpirmang maglalaro ulit sa PBA Philippine Cup!

109

Maglalaro na ulit sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup ang NLEX Road Warrior na si Kiefer Ravena.

Ayon kay NLEX team manager Ronald Dulatre, bumalik lang sa Japan ang manlalaro upang asikasuhin ang requirements sa visa, immigration at ilang basketball league requirements ngunit tiniyak nito na kukumpletuhin ang mga natitirang laro sa PBA.

Matatandaang nagkaroon ng aberya si Ravena nitong nakaraang buwan matapos lumagda ng kontrata sa Japan B.League habang mayroong pang kontrata sa PBA.


Agad namang nasolusyunan ang sitwasyon at pinahintulutang maglaro ng isang season sa Shiga Lakestars sa Japan B.League ang NLEX Road Warrior player.

Facebook Comments