Kiko Estrada, nagsalita na sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Devon Seron

Tinapos na ng aktor na si Kiko Estrada ang mga espekulasyon hinggil sa isyung hiwalay na raw sila ng aktres na si Devon Seron.

Sa isang interview, kinumpirma ni Kiko na single na ang kanyang status sa buhay at mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang trabaho.

Hindi naman binanggit ng aktor ang dahilan ng hiwalayan nila ni Devon pero sinasabing third party ang dahilan ng break-up ng dalawa matapos na magpost ng cryptic message ang aktres sa Instagram.


Nadamay rin ang pangalan ni Heaven Peralejo, na itinuturo ng netizens na third party sa hiwalayan ng dalawa na mariing itinanggi ni Heaven.

Facebook Comments