Aabot sa mahigit limang suspek ang natukoy na ng Philippine National Police na nanambang sa mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kanilang ikinasawi sa Lanao Del Sur.
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Police Chief Supt Benigno Durana.
Aniya ang mga suspek na ito ay may koneksyon sa drug group na ngayong araw o bukas ay nakatakda nang sampahan ng mga kasong multiple murder at frustrated murder.
Bumuo na rin ang PNP nang Special Investigation Task Group na tututok sa kaso pananambang.
Matatandaang sa pananambang limang PDEA agents at isang Non Uniformed Personnel ang nasawi.
Galing umano ang mga biktima sa bayan ng Tagoloan matapos magsagawa ng isang anti-drug campaign pero nang pauwi ang mga ito habang sakay puting Toyota van nang pagsapit nila sa Brgy. Malna ay dito na sila pinagbabaril ng mga salarin.