KILALA NA | Suspek sa pamamaril sa Mayor ng Buenavista, Bohol, tukoy na ng PNP

Bohol – Natukoy na ng Philippine National Police ang suspek sa pamamaril sa Alkalde ng Buenavista Bohol sa loob ng isang sabungan kahapon.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde,na batay sa salaysay ng bodyguard ni Mayor Ronald Tirol, parehong suspek ang nanambang pananambang sa alkalde noong 2014 at kahapon.

Sinabi naman ni Senior Supt. Angeles Geñorga Provincial Director ng Bohol na 5 na ang testigo na ang hawak nilang ngayon.


Tinitignan nila ang angulong political rivalry, business related, at conflict sa personal affairs na angulo sa krimen.

Sa ulat dalawang tama na baril sa ulo ang tinamo ni Tirol.

Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit ng ospital pero hindi na ito umabot ng buhay.

Facebook Comments