Kilalang drug pusher sa Taguig, patay sa shooting incident

Taguig City – Patay sa shooting incident sa Barangay North Signal, Taguig City ang isa sa mga kilalang drug pusher sa lugar.

Ayon sa pulisya, ang napatay na si Michael Rama, 27 years old, ay kasama rin sa watchlist ng Taguig City Police.

Sa ngayon, wala pang pagkakakilanlan ang gunman na nakapatay kay Rama.


Ang biktima ay isang tricycle driver at tubong Romblon.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari.
DZXL558

Facebook Comments