
Plano ngayon ng isang kilalang kumpanya ng electric vehicle (EV) na magtayo ng planta sa Pilipinas kung saan buuin ang mga EV unit para sa lokal na merkado.
Ito ang inanunsiyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Christina Roque sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Editors and Economic Opinion Leaders Forum.
Pero hindi muna pinangalanan ni Roque kung anong kumpanya ang planong magtayo ng planta sa bansa.
Aniya, ipapaalam na lamang niya ito kapag na-finalize na ang pamumuhunan.
Paliwanag ni Roque maganda ang naging pag-uusap nila sa naturang kumpanya at positibo itong indikasyon para sa mas maraming mamumuhunan sa sektor ng manufacturing ng EV sa bansa.
Facebook Comments










