Ibinalik ng Department of Trade and Industry ang lisensya ng isang kilalang Fireworks Manufacturer.
Ayon kay Jovenson Ong ng Dragon Fireworks, muling inaprubahan ng DTI ang kanilang lisensya sa pagbebenta ng mga ligtas na pyrotecnics
Sa isinagawang Pandesal forum, nilinaw ni Ong na wala namang ban sa pag gamit at pagbebenta ng pyrotechnics sa bansa.
Sa katunayan, isinasaad sa executive order number 28 na pwede itong gamitin sa labas ng bahay.
Ang ipinagbabawal umano ay ang pag gamit ng mga iligal na paputok kagaya ng Piccolo, Bawang, Super Lolo at iba pang katulad nito na siyang sanhi ng mataas na Firecracker Related Injury sa bansa tuwing sumasapit ang pagsalubong sa panibagong taon.
Aniya dapat tangkilikin ang mga pyrotecniks na ligtas at pumasa sa Quality Control.
Isa din umano sa dahilan ng pagbaba ng bentahan ng pyrotecniks ay ang pag alis ng mga pamilya sa pinas upang Magdiwang ng Bagong taon sa iba bansa dahil mayroon doon makukulay Na pyrotechnics
Nag paalala din si Ong na Kung Bibili man ng Mga Pyrotechnics ay Agahan na ang Pagbili Dahil sa kakulangan ng supply nito sapagkat Kakaunti ang gumagawa ngayon nito
Huwag narin umano dapat tangkilikin ang mga ipinagbabawal na paputok dahil ito ang tunay na dahilan ng kung bakit Marami ang nagbebenta sa mga tindahan sa ibat ibang pamilihan sa bansa.