Kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, papasok na sa Percy Lapid murder case para sa ikalawang autopsy ng nasawing middleman

Papasok na sa kaso ng pagkamatay ng “middleman” sa Percy Lapid murder case ang kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Jesus Crispin Remulla, nakausap na niya si Dr. Fortun, para magsagawa ng ikalawang autopsy sa bangkay ni Crisanto Villamor Jr. o Jun Globa Villamor na sinasabing “middleman” na nasawi sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito’y dahil na rin sa kahilingan ng kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa.


Matatandaang kinuwestiyon ni Dr. Fortun ang ginawang autopsy sa bangkay ni Villamor matapos isapubliko ng National Bureau of Investigation (NBI) ang findings ng autopsy kung saan wala raw naging foul play sa pagkamatay nito at wala ring tinukoy na cause of death.

Iginiit ni Dr. Fortun na malabo ang timeline ng NBI sa autopsy bago embalsamohin ang katawan upang hindi makompromiso ang ginagawang pagsusuri.

Batay sa memorandum ng NBI, idineklarang patay si Villamor bandang alas-2:05 ng hapon pagkatapos ay dinala ang bangkay nito sa funeraria at agad na inembalsamo ang mga labi.

Facebook Comments