Cotabato City, Philippines- Plano ngayon ang isang malaki at kilalang kumpanya mula sa bansang China ang maglagak ng investment dito sa Cotabato City na makakabenipisyo sa mga mamamayan ng lungsod.
Ito ang naging resulta ng ginawang pagpupulong nitong linggo lamang ni City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa mga executives ng Shanghai Construction Group Co., isang pangunahing consteuctiog company sa bamsang China.
Napag-usapan sa ginawang pagpupulong sa Metro Manila ang kanilang balaking magtayo ng mga low to mid cost housing projects.
Kabilang dito ang pagtatayo ng mga bahay para sa ressettlement at government employees village sa pakikipagtulungan sa city lgu.
Sa nasabi ring pagpupulong ay iprenisenta rin ng alkalde ang planong paglalagay ng sariling city airport, sea port at economic zone.
Nagpahayag naman ng pagsuporta sa nasabing plano ang nasabing Chinese investors ngunit kanila ring iginiit ang kagustuhang maglagay ng housing projects sa lungsod.
Kasama ng alkalde sa pakikipagpulong sa naturang mga investors ang kanyang technical twam na agad na gumawa ng plan of action para mas mapadali ang nasabing proposal sa lalong madaling panahon.
Noong buwan ng Pebrero, tatlong Chinese companies din ang dumating sa lungsod at itinayo ang mga sample ng kanilang solar at wind street lights.
Aabot naman sa mahigit 4,000 solar street lights ang ilalagay ng pamahalaang lungsod kapalit ng kasalukuyang street lights sa lungsod.
Ang sunod-sunod na pagdagsa ng mga Chinese investor sa lungsod ay resulta umano ng gumagandang ugnayan ng Pilipinas at bansang China.
Mas naging mabilis din ang ugnayan nito sa nasabing mga negosyante sa tulong ng mga kamag-anak at kaibigan sa naturang bansa.
Nabatid na ang alkalde ay may dugong Chinese na mula sa Xiamen na pinagmulan din ng karamihan sa mga Tsino na nasa bansa na ngayon.
Photo Courtesy of Halima Satol
Facebook Comments