Kilalanin ang kauna-unahang katutubong alkalde sa Palawan

Screenshot from Ryan Pacabis' video on YouTube

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng katutubong nailuklok bilang alkalde sa Rizal, Palawan.

Si Hon. Otol Odi, isang katutubong Palauan ang nagwagi sa mga puso ng taga-bayan.

Kahit na independent candidate, nakakuha ito ng 8,575 na boto, halos kalahati ang lamang sa katunggali sa pagka-alkadeng si Cesar Magsaysay, na nakakuha ng 4,814 na boto.


Bukod sa independent, kakaunti rin lang ang mga makinarya sa pangangampanya ng waging alkalde kumpara sa mga katunggali nito, dahilan para maging emosyonal ang ilan nitong taga-suporta nang manalo.

Bilang alkalde, sinabi niya sa isang panayam, na prayoridad niya ang kabuhayan, edukasyon, kalusugan, at ang pagsusulong ng pantay na pagtingin sa mga katutubo.

Facebook Comments