Nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ang 25-years old na si Shawntel Nicole Martinez Nieto.
Ito ay matapos maging kauna-unahang Filipino recipient ng Diana Award, ang award ay pinangalanan sa yumaong si Princess Diana ng United Kingdom, bilang charity legacy.
Ito ay isang international award na itinayo para sa memory ni Princess Diana at itinuturing na “Most Prestigious Accolade” na ipinagkakaloob sa mga kabataang may edad 9-25.
Si Shawntel ay isa sa 400 kabataan na ginawaran ng prestihiyosong award dahil sa inilunsad niyang One Cainta Food Program (OCFP) noong March 2020 nang magsimula ang pandemya.
Mula nang itayo ni Shawntel ang food program ay libo-libong kababayan na sa Cainta ang naabutan ng tulong.
Facebook Comments