KILALANIN: Nuelle Duterte, pamangkin ng pangulo na suportado ang oposisyon

Photo courtesy of Nuelle Duterte on Facebook

Sa isang article na inilabas ng Rappler, ipinakilala si Nuelle Duterte, anak ng nakababatang kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Emmanuel o “Blueboy”.

Sa kaniyang interview sa Rappler, inamin ni Nuelle na hindi siya kumportable na tawaging “tito” ang pangulo.

Hindi niya sinusuportahan si Mocha Uson o mga memes kay Vice President Leni Robredo, maging #TunayNaPagbabago na hashtag ng kasalukuyang administrasyon.


Ngunit ayon sa kaniya, sinusuportahan niya ang #FreeLeilaNow at ang Rappler CEO na si Maria Ressa na kaniyang nakilala sa New York.

Sinabi niya ring suportado niya ang Otso Diretso na kinabibilangan ng oposisyon sa administrasyong Duterte.

Makikita rin sa kaniyang Facebook na hindi sinusuportahan ang Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.

Nakapagtapos si Nuelle Duterte sa Ateneo de Davao University.

Facebook Comments