KILAUEA ERUPTION | State of emergency, idineklara sa isla ng Hawaii

27

Hawaii – Nagdeklara ng State of Emergency ang isla ng Hawaii dahil sa pagsabog ng bulkang Kilauea.

Dahil dito, pwersahang inilikas ang mahigit 1,700 na residente na naninirahan malapit sa naturang bulkan.

Naitala rin ng Civil Defense Agency ang napakataas na antas ng sulphur dioxide gas na lubhang mapanganib sa kalusugan.

Ipinag-utos na ni Hawaii Governor David Ige sa mga military reservists na tumulong na rin sa paglilikas sa libu-libong mga tao.

Nabatid na ang bulkang Kilauea ay isa sa mga pinaka-aktibong bulkan sa buong mundo.r

Facebook Comments