KILAY IS LIFE! | Kakaibang style ng kilay, trending!

Panghimagas – Ngayong papalapit ang Pasko, trending din online ang mga kakaibang style ng kilay.
Pinauso ito ng instagram user na si Taylor R kung saan patok ang tinatawag niyang Christmas tree eyebrow.
Hinawi lang naman niya na parang Christmas tree ang kanyang kilay saka dinikitan ng maliliit na gems sticker na mukhang Christmas ball at may star pa sa kabilang dulo.
Nang pumatok, kanya-kanyang post na ang netizens ng kani-kanilang Christmas tree eyebrows kung saan ang iba, kinulayan pa ng berde ang kilay para mas magmukha itong Christmas tree.

Facebook Comments