KILIG OVERLOAD | Angelica Panganiban, binisita ng pamilya ni Carlo Aquino

56

Muli na namang pinakilig nina Angelica Panganiban at ng actor na si Carlo Aquino ang kanilang mga fans.

Ito ay matapos bisitahin ni Carlo si Angge sa kaniyang bahay sa Quezon City kasama ang kaniyang pamilya.

Ipinost pa ng mommy ni Carlo na si Amy Liwanag sa kaniyang facebook account ang mga larawan nila kasama ang aktres.

Trending rin sa social media ang instagram stories ni Angge habang inaalagaan ang pusa ni Carlo noong nasa Thailand ito.

Dati nang sinabi ng aktor na bukas siya sa posibilidad na makipagbalikan sa dating nobya.

Facebook Comments