KILIG OVERLOAD | Lalaki sa New York, nag-propose sa kanyang girlfriend sa pamamagitan ng corn maze

New York – Idinaan sa maisan ng isang New York state man ang pagpo-propose niya sa kanyang girlfriend ng kasal.

Gumawa si Travis Drexler ng corn maze sa maisan ng kanyang pamilya sa Spring Farm sa Fabius kung saan mababasa ang: “Allie Will You Marry Me?”

Gumamit pa siya ng drone para makita ito ng kanya girlfriend na si Allie Randall.


Kwento ni Drexler, Enero pa ng pagplanuhan niya ang kanyang corn proposal.

Sobrang impressed naman si Allie sa effort ng kanyang boyfriend kaya isang matamis na “yes!” ang naging sagot niya kay Drexler.

Facebook Comments