Inilipat na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang tinaguriang killer cop na si Police Master Sergeant Jonel Nuezca, suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Tarlac Provincial Police Director Police Colonel Renante Cabico, natanggap na kahapon ang commitment order ni Nuezca mula sa korte.
Si Nuezca ay sumailalim din sa rapid test para sa COVID-19 bago ilipat sa BJMP facility.
Sumailalim din si Nuezca sa iba pang medical tests.
Sinabi naman ni Paniqui Municipal Police Station Chief Police Lieutenant Colonel Noriel Romboa na nailipat din agad sa BJMP facility is Nuezca ilang oras bago natanggap ang commitment order.
Bago ito sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas na madi-dismiss sa serbisyo si Nuezca sa serbisyo sa loob ng 30 araw.