Cauayan City, Isabela- Kinumpiska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Unit (NMIS) Region 02 ang nasa higit kumulang 150 kilong imported meat products sa Tuguegarao City Market.
Ayon kay NMIS Regional Director Dr. Ronnie Ernst Duque, nasabat ng mga tauhan ng ahensya sa gilid ng kalsada ang kilo-kilong produkto na isinakay sa isang container van na nakatakda sanang dalhin sa bayan ng Cabagan, Isabela.
Dagdag pa ng opisyal, posibleng nagmula sa Cauayan City ang mga inangkat pa ng supplier sa US na maaaring nakalusot umano sa inilatag na checkpoints sa lungsod.
Sinubukang hingan ng kaukulang dokumento ang may-ari ng ititindang karne subalit bigo ang mga ito kaya’t agad na kinumpiska na kaagad namang ibinaon sa lupa.
Tiniyak rin ni Duque na mas lalo pang paiigtingin ng ahensya ang inspeksyon sa lahat ng pamilihan sa buong rehiyon para masigurong walang makakalusot na imported meat.
Matatandaang ipinag-utos ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang hindi pagtanggap ng probinsya sa mga meat products mula sa ibang mga bayan maliban sa Ilocos Norte na ngayon ay nananatiling ASF-FREE.