Cauayan City, Isabela- Aabot sa 87-kilo ng imported pork ang kinumpiska ng City Local Price Control Council (LPCC) sa Dagupan Public Market, Tabuk City, Kalinga.
Ayon kay Dr. Clemencia Cagan, City Veterinarian Services Officer (CVSO), ang naturang kilo-kilong pork products ay nakumpiska sa apat (4) na tindera ng palengke dahil sa bigo silang magpresenta ng kinakailangang dokumento at hinihinalang nagmula ang mga karne sa foreign sources.
Inihayag naman ni Tabuk City Legal Officer Atty. Arthur Kub-ao, ang Chairman ng LPCC na ang ilang tindera sa palengke ay nag-aangkat ng ibinebentang karne mula sa national a t international marker upang tugunan ang demand ng mga mamimili.
Sa kabila nito, umapela si Kub-ao sa mga tindera na suriin mabuti ang mga dokumento ng binibiling karneng produkto bago pa man ito ibenta sa tao.
Agad namang isinailalim ng meat inspector team sa disposal ang mga nakumpiskang karne.
Samantala, siniguro naman sa publiko ng LPCC na tuloy-tuloy ang gagawing pagsusuri sa mga ibinebentang karne sa kanilang bayan at ang pagtitiyak na dadaan sa examination ang pagpasok ng mga undocumented meat at meat-by-products laban sa pagkalat ng African Swine Fever.