KILO-KILONG KARNE NG BABOY KINUMPISKA SA LINGAYEN DAHIL SA KAWALAN NG KAUKULANG PAPELES

Kinumpiska ng awtoridad ang kilo-kilong karne sa bayan ng Lingayen matapos madiskubreng walang kaukulang papeles.
Sa isinagawang sorpresang inspeksyon ng lokal na pamahalaan sa bentahan ng karne ng baboy sa mga talipapa sa bahagi ng Brgy. Dulag at Rosario, tatlong meat vendors dito ang walang maipakitang kaukulang Meat Inspection Certificate mula sa NMIS.
Lumabag din umano ang mga ito sa Municipal Ordinance No. 2 s.2014 dahil sa kawalan ng anti-mortem inspection certificate.

Nabigyan ng warning amg dalawang vendor at ang isa naman ay nahaharap sa kaukulang kaso matapos ang pagbantaan ang kinauukulan at pagtangging makipagtulungan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, isinagawa ang inspeksyon matapos na makatanggap ng ulat na di umano’y mayroong inihahalong hindi sariwang karne ang mga tindera at mayroon ng amoy.
Magpapatuloy ang inspeksyon sa iba pang bentahan ng karne upang maproteksyunan ang consumer sa hindi ligtas na pagkain lalo na ngayong Holiday Season. | ifmnews

Facebook Comments