Kilo – kilong shabu na nasabat sa kuta ng Maute sa Marawi City – aabot sa 100-250 million pesos ang halaga

Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa 100 hanggang 250 million pesos ang halaga ng 11 kilo ng shabu na narekober sa pinagkukutaan ng Maute sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Joint Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, kasabay ng pagpe-presinta sa media ng mga nasabat na kilu-kilo ng shabu.

Kasabay nito, sinabi ni Herrera na lalo nitong pinalakas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na konektado sa iligal na droga ang teroristang grupo.


Kasabay nito, naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na malapit ng matapos ang nagaganap na krisis sa Marawi City.

Ayon kay Herrera – maraming mga barangay na sa Marawi na hawak dati ng mga maute ang kanilang nababawi at ramdam na din ang paghina ng puwersa ng grupo.

Batay sa pagtataya ni Herrera nasa 100 hanggang 120 miyembro na lamang ng Maute ang kanilang tinutugis sa Marawi.

Facebook Comments