Manila, Philippines – Aminado ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) na papalo sa mahigit walong libong katao ang inaasahan nilang dadalo sa pag diriwang ng 116 Anibersaryo ng Labor day na itinatag noong 1913 .
Dahil dito ay magpapakalat ang buong pwersa ng NCRPO ng 10 libong pulis para matiyak ang peace and order sa Maynila.
Nag-deploy na rin ng pwersa ang MPD US Embassy, tanggapan ng DOLE, at Liwasang Bonifacio .
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo ipatutupad nila ang maximum tolerance sa mga raliyesta pero sa oras na may labagin ang mga itong batas ay mandato nila na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan kaya at aarestuhin ang sinumang mahuhuling lumalabag sa batas.
Kasabay nito ay nanawagan din ang opisyal sa mga mag poprotesta na bantayan ang kanilang hanay nang hindi mauwi sa karahasan ang kanilang pagpapahayag ng kanilang sa loobin.
Paliwanag ni Margarejo ang MPD ay nariyan para matiyak ang kanilang karapatan nang walang nilalabag na batas.
Paalala pa nito magdala ng tubig at iba pang pangontra sa init nang maiwasan ang anumang aberya dulot ng maalinsangang panahon.