KILOS PROTESTA | AFP, hinimok ang publiko na panagutin ang CPP-NPA-NDF

Manila, Philippines – Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na panagutin ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil sa perwisyong idinulot nito sa trapiko dahil sa pagsasagawa ng rally.

Ito ay matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga motoristang naabala sa ikinasang rally ng komunistang grupo.

Ayon sa AFP, ang pagkaantala sa trapiko at iba pang public activities ay dulot ng mga aktibidad ng communist group.


Napapagod na ang publiko sa paulit-ulit na pag-abuso sa demokrasya ng CPP-NPA-NDF at kanilang front organizations.

Giit ng AFP, na palaging isinisigaw ng mga makakaliwa ang karapatang pantao na hindi rin naman nila iginagalang at ang pagbabalik sa usapang pangkapayapaan habang patuloy ang panggigipit ng NPA.

Nanawagan ang AFP sa publiko na huwag tanggapin ang mga ganitong aktibidad ng mga komunistang grupo lalo at kung ipagpapatuloy nila ang kanilang panlilinlang at pagkakanulo.

Facebook Comments