KILOS PROTESTA | DOLE, hinikayat ang lahat na makisali sa mga ikakasa nilang aktibidad sa Labor Day

Manila, Philippines – Hinikayat ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang lahat na makiisa at makisali sa mga aktibidad sa paggunita ng Labor day sa May 1.

Ayon kay Bello, dalawang araw ipagdiriwang ang Labor day kung saan ang May 1 ay para sa mga formal workers habang sa May 2 naman ay para sa mga informal workers.

Ang sentro ng selebrasyon ay gagawin sa Cebu City.


Bukod aniya sa ikakasa nilang nationwide job fairs, sasabay din ang Department of Trade ang industry (DTI) sa paglunsad ng ‘Diskwento Caravan’.

Facebook Comments