Manila, Philippines- Kasabay ng selebrasyon ng 157th na kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, nagkaisa ng kilos protesta laban sa TRAIN law o Tax Reform Acceleration and Inclusion ang Alyansa ng Samahang Pantao, isang organisasyon na nasa ilalim ng Tindig Pilipinas.
Ayon kay Jenel Azotes, ang ASAP ay kinabibilangan ng mga kabataan na naninindigan sa epekto ng TRAIN law.
Aniya, nanganganib ang kanilang kinabukasan dahil posibleng mawala ang oportunidad nila na makatapos ng pag-aaral dahil sa epekto ng naturang batas sa pagbubuwis.
Bandang alas nueve ng umaga sa Martes, June 19, magtitipon-tipon ang mga miyembro ng ASAP.
Ang Tindig Pilipinas ay isang coalition ng mga sektor na karamihan ay nakalinya sa Liberal Party.
Facebook Comments