Manila, Philippines – Susugod mamaya sa House of Representatives ang mga grupo ng mga manggagawa para suportahan ang mga mambabatas sa ilalim ng Makabayan Coalition sa paghahain ng panukalang batas para sa pagpapatupad ng national minimum wage.
Ayon kay Neil Ambion, information officer ng KMU, panahin na para gawing P750 kada araw ang minimum wage dahil hindi na makaagapay ang mga manggagawa sa tuloy tuloy na pagtaas ng basic commodities at basic services kasunod ng walang pigil na oil price increase.
Kasabay nito, maghaharap din ng petisyon ang grupo na humihiling sa mga mambabatas na ibasura sa umano ay ni railroad na TRAIN law ng Duterte Administration.
Facebook Comments