KILOS PROTESTA | Grupong BAYAN, all out sa Mayo uno laban sa kontraktwalisasyon

Manila, Philippines – Suportado ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pagkakaisa at pagsasanib pwersa ng iba’t-ibang labor groups bukas, Mayo uno para ipanawagan ang pagbabasura ng kontraktwalisasyon.

Ayon sa BAYAN, marapat lamang na singilin si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang taon na pag-dribble ng nasabing Executive Order at sa pagpasa ng hakbang sa kongreso.

Giit ng grupo taliwas ito sa pangako ng Pangulo noong kampanya na kapag siya ay naupo bilang Pangulo ay wawakasan niya ang kontraktwalisasyon at endo.


Sa ngayon nahaharap anila ang bansa sa matinding isyung pang-ekonomiya katulad ng mababang pa-sahod, kawalan ng trabaho, nagtataasang presyo at buwis, problema ng mga migrante, at maraming iba pa.

Kasunod nito wala anilang maipagdiriwang ang naghihirap na manggagawang Pilipino ngayong Mayo uno, Araw ng Paggawa.

Facebook Comments