KILOS PROTESTA | Grupong PISTON, nakarating na sa harap ng LTFRB

Manila, Philippines – Nakarating na sa harap ng tanggapan ng LTFRB ang grupo ng PISTON na nagmartsa makaraang mag programa sa harap ng National Housing Authority (NHA).

Di naman bababa sa animnapu ang miyembro ng grupo na patuloy na nangangalampag sa harap ng LTFRB.

Dumating na rin ang mga anti-riot police mabilis na pumusisyon sa gate ng ahensya.


Matapos dumalo sa pagdinig sa kaniyang kaso, dumirestso si PISTON President George San Mateo sa kilos protesta kung saan kinondena niya ang ang ipinatutupad na Tanggal Bulok, Tanggal Usok program ng Department of Transportation na tinawag niyang kongkretong panimulang hakbang para sa jeepney phase out.

Mistulang bumalik aniya sa gobyerno ang epekto ng programa dahil sa galit ng mga pasahero sa perwisyo dulot ng walang masakyang jeep.

Facebook Comments