KILOS PROTESTA | Iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa, magsasama-sama sa Mayo a-uno

Manila, Philippines – Historical ang magaganap na pagkilos ng mga manggagawa sa Mayo a-uno

Ayon kay Joshua Mata ng grupong Sentro Nagkakaisa, dahil simula noong 1989 ay ngayon na lamang muli magsasama-sama ang iba’t-ibang grupo ng mga Obrero upang maglabas ng hinanaing sa pamahalaan.

Mistulang nagpapasalamat din si Mata sa Administrasyong Duterte dahil binigyan nito ng dahilan ang mga grupo ng mga manggagawa na magkaisa at isantabi ang kanilang hindi pagkakaintindihan upang ipakita ang kanilang kooperasyon para ipatigil ang kontraktwalisasyon.


Sinabi pa ng grupo na dahil nabigo ang pamahalaan na ipatigil ang kontraktwalisasyon sa bansa malinaw na wala talagang maaasahan kay Pangulong Duterte sa kabila ng mga ipinangako nito noong pang panahon ng kampanya.

Kabilang na aniya dito ang sinasabi ng Pangulo na executive order laban sa kontraktwalisasyon at endo.

Facebook Comments